Noong petsang Disyembre 1, 2025 ay buong pusong tinatanggap sa ating Mabini National High School ang bagong “Assistant to the Principal,” na si Dr. Mailee D. Malig-on — isang bagong miyembro ng ating paaralan na siguradong magdadala ng sigla, malasakit, at bagong ideya.
Mula sa SSLG, Dr. Mailee D. Malig-on — maligayang pagdating po! Kami’y nasasabik na makasama kayo at makatrabaho sa pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating mahal na paaralan. Alam naming ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa edukasyon ay malaking tulong sa bawat estudyante, guro, at buong komunidad ng Mabini National High School – Official.
—Inaanyayahan namin ang lahat mga mag aral, guro, at magulang — na samahan kami sa pagbati at pagpapakita ng mainit na pagtanggap. Sama-sama nating gawing mas makulay, masaya, matatag, at mas makabuluhan ang ating paglalakbay sa pag-aaral. ![]()
Welcome once again, Dr. Mailee D. Malig-on! Let’s build brighter futures together. ![]()

